“WHATS the hell is wrong with me?” nangigigil na sigaw ni Alcina sabay hagis ng bola sa ring. Lalo siyang naggigil nang tumama ito sa board at bumalik sa kanya sa halip na pumasok sa basket.

Naging gawain na niya ang pagbabasketball sa tuwing problemado siya o kaya naman ay naiinis. She though na sa ganoong paraan mababawasan ang bigat ng kanyang nararamdaman. 

“Nakakainis talaga!” sigaw niya at muling ibinato ang bola. Hindi parin iyon pumasok, laging ganoon ang eksena sa tuwing susubukan niyang i-shoot ang bola. Labis talaga ang inis at disappointment na kanyang nararamdaman. Nakakailang ulit na niyang pinapasok ang bola ngunit hindi parin niya nagagawa hanggang sa mapagod siya at umupo na lamang sa bench na naroroon. Ganoon talaga siya kapag nawawalan ng concentration sa anumang bagay na ginagawa niya kapag labis na ang inis na kanyang nararamdaman. She’s the kind of girl na sa action lang nya na-eexpress ang nararamdaman, kung minsan dinadaan niya iyon sa pagsusulat sa kahit anong papel na pakalat kalat sa paligid niya. Kung minsan naman kapag napagkatuwaan niya ay tinatabi pa niya ito at ididikit sa kanyang diary. Hindi kasi siya ung karaniwang tipo ng mga babae na dinadaan lahat sa iyak ang dinadalang bigat sa dibdib. She promise to herself not to cry with nonsense thing, kahit gaano pa iyon kadramatic minsan. Alcina is a cute girl, wala kang maipipintas sa kanya lalong lalo na sa kanyang pag uugali yun nga lang may Abnormal side sa kanyang attitude. Iyon ay ang pagiging moody nya at sa pagiging kakaiba ng kanyang ikinikilos sa tuwing naiinis siya or badtrip. Papainit na ang araw ay hindi parin siya natitinag sa bench na kanyang kinauupuan, ni wala syang balak na umalis rito at magprepare para sa pagpasok niya sa opisina. Hanggang sa hindi niya namalayan na umaambon na pala at kailangan na niyang lisanin ang basketball court.

Napilitan siyang tumayo at damputin ang bolang kanina’y gumulong papunta sa ilalim ng puno na nasa likod ng kanyang bike na sinasakyan kaninang madaling araw na magikot ikot siya sa kanilang village. She look so miserable that moment bumagay nga ang pagkulimlim ng panahon sa kanyang mukha. No one can figure out kung alin talaga ang makulimlim, ang panahon ba o ang kanyang mood. Sa kanyang pag aangat ng tingin napansin na lamang niya na may estrangherong nakatayo sa kanyang harapan. She’s wondering where hell is this guy came from. Hindi naman siguro ito multo o kaya naman ay maligno, sa pakakaalam niya nasa syudad siya at walang ganoon doon.

“PARE naman! I guess your being unfair with her.” Suhesyon ni Gage kay Miro. Mababakas sa kanyang tinig ang awa para sa taong kanilang pinag uusapan kanikanina lang.

“I thinks it’s the better way.” Malungkot na tugon ni Miro. Tsaka muling ipinagpatuloy ang pag eempake.


 “Is that all you want? Pano kung magbago ang isip mo? Pano kung ako naman ang mapasubo? It will be unfair for me too. Kilala mo naman ako pare seryosong tao.” Pag aarok niya sa kaibigan.

“I made my decision final at di na magbabago ito. I’m just doing this for her.” Pinal na sabi niya at sa pagkakataong iyon natapos ang kanilang pag-uusap.

“YES?” nagtatakhang tanong ni Alcina sa binatang estranghero. “Anything wrong Mister?” taas kilay na tanong niya rito. Wala siya sa mood na ngitian ito dahil sa pagkabadtrip na nararamdaman niya.

Tila naman nag eenjoy ang binata sa pagtitig sa naiinis na mukha ng kaharap. Sandali siyang natulala at di nakasagot sa tanong nito, nagmistula nga siyang bingi sa paningin nito.

Lalong nainis si Alcina sa iginawi ng kaharap kaya walang paalam niyang sinakyan ang kanyang bike at padyakin na ito palayo, ngunit maagap na nakahuma ang binata kaya napigilan sya nito. Naiinis na nilingon niya ito at itinukod ang isang paa sa lupa upang hindi siya mabuwal sa pagkakasakay ng bike. Pinilit nyang huminga ng malalim at nang makapagtanong ng maayos at hindi mahalata sa kanyang tinig ang pagkainis.

“Again.. May maitutulong ba ako sayo Mister?” pilit na ngiti niya.

Ngumiti ang estrangherong kaharap. Ngiting may halong pagkapilyo. “Mayroon sana binibini kung ito ay iyong pahihintulutan.” Maluwang na ngiti nito.

“Okay now tell me what is it. Look I’m a busy person, im running out of time at baka ma late ako sa trabaho, tsaka baka bumagsak pa ang ulan wala akong payong. ” Pagdadahilan lang niya samantalang kanikanina lang ay wala siyang kabalak balak na umalis sa lugar na iyon. Kung hindi nga lang niya naramdaman na tila nasisikipan na siya sa lugar at kinakailangan na niyang umalis na ay hindi pa talaga siya aalis. Ang kaso papaano pa nga ba siya makakapagrelax kung alam niyang hindi lang siya nag iisa kundi may isang mukhang pilyo pa na estranghero ang naroroon sa loob ng basketballcourt, may hawak pa na camera at mukhang nais pa siyang kuhanan ng nakaw na larawan sa kanyang pagmumukmok. How could she express what she’s feeling kung may manonood sa kanya at mapagtawan pa sya. Buti na nga lang at magaling siyang magdahilan, isinisi sa panahon ang dahilan ng kanyang pagmamadali.

“I was taking pictures nang makita kita. And I guess ikaw ang fit na model para sa theme ko this month. Anyway I’m Gage photographer ako. Mapapaunlakan mo ba ang proposal ko?” magiliw na sabi ni Gage, halata ang paghanga sa kislap ng kanyang mga mata. “Can I know the name of this pretty lady in front of me?” sabi pa niya na hindi maalis alis ang tingin sa kanya at inilahad pa nito ang kamay sa kanya.

“Alcina” tipid nasagot niya at hindi tinugon ang nakalahad na kamay nito. “busy akong tao kaya I wont accept your proposal.” Ngiti niya at pinaandar na ang bike na sinasakyan. Walang lingon likod na pinatakbo ang bike papalayo..

Nailing na napakamot ng ulo na lamang si Gage sa iginawi ng dalaga. “She’s really different. Now I know”. Nasabi na lamang niya sa sarili pag alis nito.