“Kung ito man ang huling awiting aawitin
Nais kong malaman mong ika’y bahagi na ng buhay ko
At kung may huling sasabihin
Nais kong sambitin, nilagyan mo ng kulay ang mundo
Kasama kitang lumuha
Dahil sa‘yo ako’y may pag-asa
Ang awiting ito’y para sa‘yo
At kung maubos ang tinig, di magsisisi
Dahil iyong narinig mula sa labi ko
Salamat, salamat”
Mula sa malayo ay natatanaw ko na ang kanyang mukha. Ang maamo at malaadonis na kakisigan na tanging dahilan ng aking paghanga sa kanya. Sya ang mahal ko, noon pa man ngunt ito’y lingid sa kanyang kaalaman hanggang sa isang araw ay--------
“ Anong kanta ang maihahalintulad nyo sa nararamdaman ninyo ngayon?” wika ng aming guro sa literature. Sa aking pagkamangha narinig ko ang kanyang tinig na tila syang simula ng pagbabago ng aking kapalaran. “ Kantang Diary ho ng (bread) ” mula sa aking pag kakaupo akoy napatalima. Bigla ko na lamang naalala ang aking diary na nawala ko noon nakaraang buwan. Hindi kaya’t nasa kanya ito? Muli hindi ko pinansin ang kanyang tinuran ipinigpatuloy ko ang aking pakikinig sa aking guro at iniwaglit pansamantala ang nasa isipan.
Nang matapos ko ang aking awitin muli parang nais kong maiyak. Papalapit sya sa dako kung saan ako bababa ng entablado, naka ngiti at dala ang paborito kong mga rosas waring nais ibigay ang buong mundo sa akin. Ngunit sino ba naman ang hindi maiiyak kung alam mong ito’y panandalian lamang. Nakapakaswerte ko mula ng malaman kong pareho kami ng nararamdaman. At lalong lalo na sa kaalamang siya’y akin na… Akin nga ngunit hiram.
Sa may silid aklatan, sa kalagitnaan ng aking pagreresearch nagulat ako sa isang dantay ng kamay sa aking balikat, nang sa aking pagharap ang maamo niyang mukha ang sumalubong sa akin. Nagulat ako, kinabahan, at mayroong halong pagtataka ang nararamdaman. Napawi ang lahat ng iyon ng masilayan ko mula sa kanyang labi ang mala anghel na kanyang mga nigiti na matagal ko nang pinangarap na maihandog iyon para sa akin. Nang mapagawi ang aking paningin sa kanyang kamay nakita ko ang isang pamilyar na bagay na matagal ko ng naiwaglit sa aking isipan. Ang diary ko! Sigaw ng isip ko. Tila nadinig nya ang nasa isipan ko ng mga sandaling iyon. Itinaas ang kamay na may hawak ng diary at sabay sabing. “iyo ba ito?” tila nauupos akong kandila na tumango sa kanyang tinuran. Muli ngumiti nanaman sya, sanhi ng pagkakawala ng akin konsentrasyon sa realidad na nasa kahiya hiya akong kalagayan.
“Para sayo” narinig kong sabi niya na pumukaw sa aking malalim na pag iisip, pinilit ko ang ngumiti at sabay nagapasalamat. Graduation namin noon, ito na siguro ang huling awit namin bilang magkamag aral, at magkasama. Hindi kami maghihiwalay ngunit hindi kami maaaring magkasama, at nasasaktan ako dahil doon. Mula sa pagkakatitig ko sa kanyang malalim at nangaakit na mga mata nasilayan ko sa kanya ang labis na kaligayahan. Papaano ba ako magpapaalam sa taong syang nagbigay ng labis na kaligayhan sa buhay ko. Hindi ko kayang makita syang nasasaktan lalo na’t ako ang magiging dahilan ng kanyang labis na pagkabigo. Mahirap magpaaalam kung alam mong hindi na maibabalik pa ang nakasanayan.
“May gusto sana akong sabihin sayo.” Lakas loob na sabi ko sa kanya. Waring nagtataka sya sa aking mga tinuran. “Ano iyon?” tanong niya na walang bahid na ideya sa kanyang mukha. “tapusin na natin kung ano man ang meron tayo ngayon.” Iyon lang ang tanging nasambit ko--- “Ngunit bakit?” tanong niya na mangiyak ngiyak. “kalimutan mo na ako at ang lahat ng tungkol sa atin. Mas makabubuti iyon para sa ating dalawa.” Sabi ko sabay pigil sa paghikbi. “Bigyan mo ko ng matibay na dahilan upang tapusin natin ito.” Pasigaw na sabi niya. Di ko mawari kung siya ba ay nagagalit o labis na nasasaktan ng mga sandaling iyon. Hindi ako sumagot, hinayaan ko na lamang tumulo ang mga luha mula sa aking mga mata-------
Para akong pinapatay ng mga sandaling iyon, ang makita syang nasasaktan ay labis na nagpaparusa sa akin. Hindi ko ginustong makita sya sa ganoong pagkakataon. Masakit para sa akin iyon mas masakit pa sa sakit na pinagdadaanan ko ngayon. Ayaw ko syang iwan, ngunit kailangan. Ang paglayo sa taong minamahal ay hihigit pa sa kamatayan. Mula ng araw na iyon hindi na ako nagpakita sa kanya, nagpalit na rin ako ng numero ng telopono. Umuwi sa probinsya namin, nagpakalayo layo, malayo sa kanyang mga anino. At nang hindi na muling maalala pa. Ngunit sa mga panahong ito alam kong iyon ang tama.
***********************************************************************
Malamig ang simoy ng hangin na nagmumula sa aking bintana ngayong araw na ito. Kasabay ng masayang pagasasayaw ng mga puno ang pag indak ng aking panulat, na naglalarawan kung gaano kahirap lisanin ang ganito kagandang handog ng maykapal.
Mula ng araw na maibalik sa akin ang diary nagsimula na ang maganda naming pagsasamahan. Na paulit ulit na naglalaro sa aking isipan.
“Ah oo akin nga ito…” sabi ko na nakayuko, bugso ng labis na pagkapahiya. “Ipagpahumanhin mo sana kung di ko sinasadyang basahin ang diary mo.” Sabi nya nakaguhit ang ngiti, “psssss---” pigil nya sa balak kong pangangatwiran. “ ikinagagalak ko na malaman na pareho tayo ng nadarama” bulong niya sa akin. Labis ang katuwaan ko ng mga sandaling iyon. Para akong tumama sa loto. Nais kong sumigaw ng malakas na malakas sa labis na kaligayahan. Ngunit naroon parin ang hiya na nararamdaman ko.
Di ko mapigilan ang labis na pagluha sa tuwing babalikan ko ang senaryong iyon. Ngunit wala akong magawa upang maibsan ang sakit na nararamdaman. Gustuhin ko man ngunit di ko magawa. Naisin ko mang makasama sya ngunit kung ang magiging kapalit man nito ay ang kasawian na maidudulot ko sa kanya ay mas nanaisin ko pang magalit sya sa akin. Ang kamuhian ako imbis na kaawaan. Ang makita ako sa ganitong kalagayan ay alam kong parusa para sa kanya. Mas mamatamisin ko pang ako na lamang ang magdusa.
Di ko nga makalimutan ng dumating na ang araw na kinatatakutan ko… ang araw ng aking paglisan. Siya lamang ang tanging nasa isipan ko,wala ng iba pa. Kasama ang diary na syang naging ugat ng lahat, at sya rin magsisilbing alaala ng matamis naming kahapon. Nang mga oras na iyon hinihintay ko na lamang sunduin niya ako. At ang tanging hiling ay ang mapatawad niya at maintindihan kung bakit ko nagawa ang sya ay lisanin.
Kung sakali mang magkaroon ako ng pagkakataong mapabasa ito sa kanya, nais ko sanang ialay ang tulang ito.
“Sa aking paglisan on ko . . .
ang alaala mo
mga matutunog na halakhak
mga sigaw ng kagalakan,
matatamis na halik at yakap.
Sa paglalakbay ko sa malayo . . .
ikaw ang nasa isip ko,
dadamhin ko ang iyong paglalambing,
iisipin ko ang iyong mga ngiti,
daldalhin ko hanggang sa paghimbing.
Ako'y maglalakbay sa dako pa roon . . .
na masasayang alaala ang baon,
walang katumbas na ligaya,
na may mga ngiti sa labi,
at sa iyo, pagmamahal ko ay mananatili----”
Hindi ko na kaya pang ipagpatuloy ito. Labis na ang sakit na aking nararamdaman. Sa muling pagpikit ng mga mata dalangin ko’y ikaw ay makasama. Iwanan kang masaya ay sapat na sa akin, nang lumigay… hindi ko man ito nagawang ipagtapat sa iyo ito noon, alam kong balang araw ay maiintindihan mo rin ako. Sana sa mga panahong iyon dalangin ko sa may kapal na ikaw ay may makahanap pa ng kaparis ko na nagmamahal sa iyo ng tunay, wagas at hindi ka kailanman iiwan.
Mahigit kumulang tatlong taon na din pala ang nakakaraan mula ng ako’y kanyang nilisan at sya’y lumisan. Kaya pala… kaya pala labis ang sakit na nakapinta sa kanyang mukha ng araw na iyon, ngayon ko lang labis na napagtanto kung bakit niya nagawa sa akin iyon. Nagsisisi ako ng labis sa mga sandaling sinayang ko na maaari ko pa siyang makasama. Sana noon pa man iniaawit ko na sa kanya ito.
Sa 'king pag-iisa
Alaala ka
Bakit hanggang ngayon
Ay ikaw pa rin sinta
'Pag sa hatinggabi
Sa pagtulog mo
Hanap mo ba ako
Hanggang sa paggising mo
Kailanman ika'y inibig ng tunay
'Wag mong limutin pag-ibig sa 'kin
Na iyong pinadama
Pintig ng puso 'wag mong itago
Sa isang kahapon sana'y magbalik
Nang mapawi ang pagluha
Ba't hanggang ngayon ay ikaw pa rin ang mahal
'Di makapaniwala
Sa nagawa mong paglisan
O kay bilis namang nawala ka sa akin
Hmmmm...
O, ang larawan mo
Kahit sandali
Aking minamasdan para bang kapiling ka
Dati kayligaya mo sa piling ko
'Wag mong limutin pag-ibig sa 'kin
Na iyong pinadama
Pintig ng puso 'wag mong itago
Sa isang kahapon sana'y magbalik
Nang mapawi ang pagluha
Ba't hanggang ngayon ay ikaw pa rin ang mahal
Hmmmm..
Naniniwala ako na malapit nang magtagpo ang aming mga landas hindi man ngayong mga oras na ito ngunit malamang kinabukasan. Kasabay ng ikatlong anibersaryo ng kanyang pagkamatay ay siya namang simula ng aming kaligayahan