Minsan dumarating ako sa puntong ayaw na talagang magsulat ng plumang hawak-hawak ng kanang kamay ko. Sa hindi ko alam na kadahilanan, siguro... pagod na nga ito..Pagod na itama ang kamaliaang iniukit ng kasaysayan. Pagod?... tama ba ang salitang pagod para sa isang taong uhaw sa katarungan? Marahil ang pagsuko ang kanyang tanging pwedeng pagpilian. Ngunit ang lumaban at magbuwis ng buhay para sa katarungang inaasam ng nakararami ay hindi sapat kung ang kapalit nama'y sarili niyang buhay? Ano ba ang maiiaambag ng isang dukha sa lipunang kanyang ginagalawan kung sarili man niya ay di niya kayang buhayin?
Noon akala ko, ang pagsulat ko ay para lamang iparinig sa aking mga kalaro ang nilalaman ng pangarap ko .Ngunit ngayon tunay na nga pala ang aking mga komposisyon. Hindi lamang para sa mga musmus na katulad ko. Kundi para narin sa mga taong nakapaligid sa lipunanang aking ginagalawan. Isang munting pangarap noon na nabigyan ng kaganapan mula ng masilayan ko ang tunay na kalagayan sa mundong ibabaw. Oo tama nga nasa ibabaw tayo ng mundo ngunit nabubuhay sa ilalim ng iilan na hawak ang mundong ating ginagalawan. Mula nang masilayan ko ang liwanag na dulot ng araw, natuto akong imulat ang mga mata sa katotohanan. Katotohanang hindi perpekto sa paningin ng lahat. Dito ko natagpuan ang sarili kung saan ako ngayo'y nakatayo. Di ko lubos maisip na kung bakit sa halip na ang liwanag ang makita ay madilim na kalangitan ang natatanaw. Ito ba ang perpektong katotohanan na hinubog nila upang ating makita? Ang mabuhay sa ilalim ng kanilang kapangyarihan at sambahin ang liwanag na kanilang hatid sa ating buhay? Nararapat ba na danasin ni Andres ang ganitong kapaligiran?... na ang pinangarap lamang ay maging malaya sa sariling Bansa? Nabibilang lamang ang pamilya sa isang mangmang na mamamayan sa lipunang mapagpanggap at ang tanging alam lamang na paraan ng paglaban ay dahas. Na kung saan ang kalaban ay mga edukadong tao na ang salaping ginamit sa pinag aralan ay perang kinayod ng mga mangmang na katulad niya na kanilang inaalipusta. Ito ba ang perpektong katotohanan na nagpapatunay na pantay pantay ang lahat? Na nararapat munang magdusa ang mga taong ito upang makamit ang kasagaanaang kanilang minimithi? Na ayon sa mga prayle noon sa kapanahunan ni Rizal na ang sinong mang naghihirap ay syang pinagpapala. Isang perpektong kasinungalingan itong matatawag na sa iilan ay katotohanan. Walang sinuman ang makapagsasabi kung alin ang tunay at huwad. Isang pinagtagpi tagping kasinungalingan na sinasamba ng nakararami. Ito ba ang paraan ng pagkakamulat natin? Pagkamulat sa istoryang kanilang nilikha?
Ngayon! ngayon nyo sabihin kung tayo nga ay tunay na malaya. Malaya sa anong paraan? Talaga bang alam nyo ang tunay na kahulugan ng malaya?. Ang malaya na mabuhay at may sariling karapatan. Iyan ba ang pagkakaintindi nyo sa tunay na kalayaan na hiling ng nakararami ngayon? Wala tayong pinagkaiba sa noon at ngayon, malamang kung mayroon man ay iyong petsa at iilang mga taong namumuno at nangingibabaw sa nakararami. Marami sa atin ang hindi nakakatamasa ng kalayaang ito. Dahil bilanggo sila sa kahirapan na dulot ng nakaraan. Wala ring makapaglakas loob na aminin ang tunay na kinakaharap. Takot na ibalik ang masalimuot na kasaysayan kaya't piniling manahimik na lamang.
"Sa isang maralitang manunulat na katulad ko,mangarap lang ang libre.\
Naisin ko mang isigaw ang katotohanan,
kung bingi naman ang patatamaan.
Anong saysay ng boses ng nangangailangan?" sigaw ni Andres sa kinauukulan. Inaasam-asam madinig kanyang panalangin. Ang simpleng hiling na karapatan na matatawag ay isa palang pribelehiyo. Ang edukasyong pangarap ng mga musmos na katulad ko noon ay nananatiling pangarap parin hangang ngayon. Kailan kaya ang mga akda ng mga musmos ay mababasa? At ang kanilang mga simpleng hiling ay dinggin. Katulad na lamang ba ito ng pagsulat sa hangin at mananatiling pangarap hanggang lumipas na ang pagkamusmusan. At maulit na naman ang nakaraang kasaysayan at mananatili sila sa ganitong sitwasyon dala ng mailap na pagkakataon? Siguro may pagkakataon pa...kung naisulat man ito sa hangin noon,ngayon ay buo parin ang pag-asa nila na liliparin ito patungo sa landas kung saan ito nararapat. Tama isang positibong pananaw ang kailangan sa paglaban sa kasinungalingang pinag uugatan ng kamangmangan.
Ngayon ko lang napagtanto na ang pagod ko ay nagsisilbing mumunting pag-asa ng karamihan na umaasa sa pamamagitan ng pamamaraang ito... ang pangarap nila ay magkakaroon ng kaganapan. Isang simpleng pagkilos na magdudulot ng malaking pagbabago sa kapalaran ng mga kabataang susunod na gagawa nito